Nick Joaquin

Talambuhay

Nicomedes Marquez Joaquin, ngunit mas kilala bilang Nick Joaquin, ay isang batikong manunulat. Kumpara sa ibang manunulat sa kasaysayan ng sining at panitikan ng Pilipinas, mas kilala siya sa personalidad niya na pagka-mahiyain at mailap. Subalit, hindi ito naging hadlang sa kanyang kakayahan at katalinuhan bilang isang manunulat sa larangan ng panitikan.

Isa siya sa mga itinanghal na Pilipinong manunulat sa wikang Ingles at marami sa kanyang mga naisulat ay nagpapakita ng iba’t ibang aspekto ng pagiging Pilipino. Binigyang kahalagahan niya ang pagususlat sa wikang Ingles na kung saan ito ang naging daan sa pagbuo ng mga kritiko ng “Joaquinesque”. Ang Joaquinesque ay ang mga sulat na nasa wikang Espanyol at Ingles muling nilikha ni Joaquin gamit ang wikang Ingles sa pundasyong FIlipinism.

Ang Talambuhay ni Nick Joaquin

Si Nicomedes “Nick” Joaquin y Marquez Tolentino Mercado ay ika-5 sa sampung magkakapatid na Joaquin. Bata pa lang, ikinahilig na ni Joaquin ang pagbabasa. Siya ay anak nina Don Leocadio Joaquin, isang abogado sa Court of First Instance ng Laguna, at ni Salome Marquez. Naging pangalawang asawa ng tatay ni Joaquin ang kanyang nanay. Ang tatay niya ay malapit kay Emilio Aguinaldo at lumaban sa panig nito noong Rebolusyon. Nag-retiro naman ito ng nasugatan siya sa pakikipaglaban sa digmaan at nagpursigi bilang abogado.

Masaya ang naging kabataan ni Joaquin. Lahat silang magkakapatid ay tinuruan ng wikang Espanyol, at ito ang naging linguahe nila sa pag-uusap sa kanilang bahay. Naging mahilig sa sining at musika si Joaquin dahil ito ay kinahiligan rin ng kanyang ina. Si Joaquin at ang pamilya niya isa ring Kristiyanong deboto.

Nag aral si Joaquin sa Paco Elementary School at pumunta sa Mapa High School pagtungtong niya ng hayskul. Ngunit pag dating niya ng third year, naisipan niyang huminto sa pag-aaral dahil naniniwala siya na mas marami siyang matututunan sa labas ng klase. Pumayag naman ang kanyang ina sa kanyang desisyon. Nung huminto siya sa pag-aaral, nagkahanap siya ng trabaho sa isang bakery sa Pasay at kalaunang nakapagtayo ng sarili niyang publishing company.

Dahil sa pagkahilig ng pagsulat, naisipan ni Joaquin na ipatuloy ang kanyang pangarap na maging manunulat. Minsan na rin siyang nailarawan sa pagiging ‘baliw sa pagbabasa’ ng kanyang mga kamag-anak. Dahil bata pa lang ay sinanay na siya ng kanyang mga magulang sa pagbabasa, nadala niya ito hanggang sa paglaki niya.

Ang Karera at Kontribusyon ni Nick Joaquin

Sa edad na 17 anyos, nakapagsulat na si Joaquin ng kanyang unang tula na Ingles tungkol sa Don Quixote sa isang seksyon ng panitikan sa pre-World War II Tribune. Nagtrabaho siya bilang proofreader.

Kalaunan, nakatanggap ng ilang gantimpala si Joaquin dahil sa kanyang mga sulat. Isa dito ay ang paggawad sakanya ng honorary Associate in Arts sa pambansang essay competition sa pagbibigay karangalan sa La Naval de Manila.

Naging malaki ang naging kontribusyon ni Joaquin sa larangan ng panitikan dahil ang kanyang pagmamahal sa pagsusulat ay nailaan niya upang makapagbigay ng boses sa mga mamayang Pilipino. Dahil dito, siya ay binansagang pinakamahalagang manunulat sa wikang Ingles sa kasaysayan ng Pilipinong panitikan. Ang kanyang mga gawa ay nagtagal ng mahigit 70 na taon.

Popular Posts