Nilikha ni pangulong Laurel upang maging pantay ang pamamahagi ng paninda sa buong bansa?

Katanungan

nilikha ni pangulong laurel upang maging pantay ang pamamahagi ng paninda sa buong bansa?

Sagot verified answer sagot

Si Jose P. Laurel, na siyang itinanghal bilang ikatlong president ng Republika ng Pilipinas, ay isinakatuparan ang itinatawag na NADISCO.

Ang NADISCO o National Distribution Corporation ay ang isang korporasyon na nangangasiwa at may responsibilidad sa pamamahagi ng mga iba’t-ibang paninda sa buong bansa.

Nais ni dating presidenteng Laurel na maging pantay ang distribusyon ng mga suplay ng mga paninda sa buong bansa.

Sa tulong rin ng NADISCO, naengganyo ang mga mamamayan na magtanim ng mga prutas at gulay sa kanilang bakuran upang hindi na umasa pa sa suplay na minsan ay kakaunti lamang ang mayroon at naipapamahagi sa iba’t-ibang lugar.