Ninais ba talaga ni Bugan na mamatay bakit?

Katanungan

ninais ba talaga ni bugan na mamatay bakit?

Sagot verified answer sagot

Minsan ng ninais na magpakamatay ni Bugan sa kadahilanang hindi niya mapagkalooban ng anak ang kanyang kabiyak na si Wigan.

Subalit ang mithiing ito ay nagbago matapos na lumapit at humingi ng tulong sa mga Diyos na mula pa sa silangan.

Sila ay kinilalang sina Bolang, Bumakker, Ngilin, at maging ang diyos ng iba’t ibang klase ng hayop.

Kung saan, itinuro ng mga diyos kay Bugan at sa kabiyak nito ang Bu-ad o isang ritwal na isasagawa upang sila ay mabiyayaan ng supling.

Makalipas lamang ang ilang mga buwan, sina Bugan at Wigan ay nagkaroon ng supling na nagdulot ng labis na galak sa kanila.