Noli Me Tangere Buod (300 Words)

Ang nobelang Noli Me Tangere or Huwag Mo Akong Salingin sa tagalog ay isinulat ni Dr. Jose Rizal. Ito ay inilimbag noong 1887 sa Germany. Tinalakay sa nobela ang mga panglalapastangan ng mga Kastilang Prayle pati na rin ang mga pang-aapi ng mga nanakop na mga dayuhan.

Related: Mahabang Buod (1,000 words)

Umikot ang nobela sa buhay ni Crisostomo Ibarra, isang binatang nag-aral ng pitong taon sa Europa. Siya ay mula sa isang prominenteng angkan sa San Diego. Nang siya ay umuwi sa Pilipinas, naghandog ng isang piging ang tanyag na si Kapitan Tiago. Kasamang inimbitahan sa salu-salo ang mga Pransiskanong prayle na sila Padre Salvi at Padre Damaso.

Matapos ang piging, dinalaw ng magiting na binata ang kanyang kasintahang si Maria Clara, na anak-anakan naman ng kapita-pitagang si Kapitan Tiago. Sinariwa nilang dalawa ang kanilang pagmamahalan sa pamamagitan ng pagbabasa ng mga liham na ipinadala nila sa isa’t-isa noong namamalagi pa si Ibarra sa Europa.

Habang papauwi sa kanyang tahanan, nakapagkwentuhan si Ibarra at ang matalik na kaibigan ng kanilang pamilya na si Tinyente Gueverra. Ibinahagi ni tinyente ang malagim na sinapit ng kanyang ama sa kamay ni Padre Damaso.

Bagamat hindi maganda ang pagiging trato ng prayle kay Don Rafael, pinili na lamang niya na abutin ang kanyang pangarap na makapagpatayo ng paaralan sa San Diego.

Sa kasamaang palad, naging madilim ang kinabukasan ni Ibarra matapos siyang itakwil ng simbahan at mapagbintangan na nag-organisa ng rebelyon.

Tinugis siya ng gwardya sibil, ngunit nailigtas ni Elias, isang rebelde na tumutuligsa sa mga pang-aapi ng mga dayuhan. Tinangka nilang tumakas palabas ng lawa ng Bay, ngunit naabutan sila ng mga gwardya sibil. Upang ilagaw ang mga tumutugis, tumaboy si Elias sa bangka. Pinagbabaril siya hanggang sa mapuno ng kulay pula ang tubig sa lawa.

Nagtapos ang kwento sa eksena kung saan humimlay si Elias at sinabing hindi na niya masisilayan pa ang bukang liwayway.