Otanes wika sariling paliwanag

Katanungan Sagot

Katanungan

Otanes wika sariling paliwanag

Sagot verified answer sagot

Otanes wika sariling paliwanagAyon kay Dr. Fe Otanes, batay sa kaniyang binitawang pamosong linya tungkol sa wika, ang wika ay mahalagang bahagi ng pagkatao at pamumuhay ng isang mamamayan dahil ito ang magiging daan upang makapagtrabaho sila at makaugnay sa ibang tao.

Mahalaga ang pakikisalamuha sa mga tao sa isang lugar na kinaroroonan dahil ito naman talaga ang nagtatakda ng kanilang magiging ikot ng buhay at hindi naman ang sarili.

Kaya naman ayon din kay Dr. Otanes, ang wika at ang pagtuturo ng wika ay naglalayon namang makahubog ng mga mamamayang mayroong mapanuring isip at isip na bukas sa pakikinig at bagong impormasyon nang sa gayon ay maging kapaki-pakinabang na bahagi ng lipunan.