Paano ang sistema ng pamumuno sa Holy Roman Empire?

Katanungan

paano ang sistema ng pamumuno sa holy roman empire?

Sagot verified answer sagot

Sa gitna at kanluraning bahagi ng kontinenteng Europa ay may naitatag na isang imperyo. Ito ang tinaguriang Holy Roman Empire.

Kabilang rito ang iba’t-ibang mga pangkat-etnikong teritoryo ng mga bansang nasasakupan ng kontinente. Ilan sa mga naging kabilang rito ay ang mga kaharian ng Alemanya, Italya, at iba pa.

Sa ilalim ng imperyong ito, ang simbahang katoliko ang ngangasiwa sa mga teritoryo. Ang Santo Papa, na siyang pinakamataas na posisyon sa simbahan, ang may karapatan na mamili kung sino ang maghahari sa kabuuan ng Holy Roman Empire.

Ang mga alituntunin at batas rin sa imperyo ay alinsunod sa mga aral at pangaral ng pananampalatayang Katoliko.