Katanungan
paano binago ng globalisasyon ang pamumuhay ng mga pilipino?
Sagot
Binago nito ang kanilang buhay dahil napadali ang komunikasyon, pagbili ng ibang produkto sa ibang bansa, o kaya makapipili ng trabaho sa ibang bansa.
Sa larangan ng komunikasyon, mas lalong lumawak at maraming nakikilalgn ibang lahi ang mamamayan dahil sa malawak din na komunikasyon gamit ang teknolohiya.
Sa pagbili naman ng produkto ay nandiyan ang mga online shopping platforms na kung saan makakabili ang mga tao sa iba’t ibang bansa ng kanilang produkto.
Sa trabaho naman ay makatutulong ito sa ekonomiya ng isang bansa at magkakaroon ng hanapbuhay ang mga tao dahil bukas na rin ang ibang bansa para sa mga trabaho.