Katanungan
paano ginagawa nang mahusay ang pagpipinta ng landscape?
Sagot
Ang pagpipinta ay isang uri ng sining na kung saan ang mga kaalaman maging ang emosyon ay ipinararating sa pamamagitan ng mga likhang sining.
Isang halimbawa nito ang pagpipinta ng landscape na kung saan maisasagawa ito ng maayos gamit ang mga iba’t ibang bagay at pamamaraan.
Upang makabuo ng landscape painting ang dapat na gamit na mayroon ang tao ay lapis, pintura, canvas, at barnis. Sa paggawa, ang pintor ay dapat na magpasya kung anong landscape ang nais niyang ipinta.
Maaari siyang gumamit ng iba’t ibang mga larawan o imahe na magsisilbing konkretong tanawin sa kanyang ipipinta. Gamit ang lapis ay gumuhit na ng mga plano ng iyong ipipinta pagkatapos ay magsimula ng maglagay ng kulay partikular na sa gawing ulap.
Ang pagkulay ay dapat na magkakapareho ang stroke subalit maaaring gumamit ng ibang stroke kung kinakaiangan.
Pagkatpos ay lagyan ng kulay ang iba pang element ng iyong ipinipinta. Matapos nito, ipatuyo ang pinta saka maglagay ng barnis upang magbigay kintab sa obra.