Katanungan
paano ginagawa noon ang pagbabayad ng buwis?
Sagot
Noong sinaunang panahon pa lamang ay may itinatawag na tayong buwis. Ito ay ipinapataw sa lahat ng mamamayan. Obligasyon ito at kinakailangan bayaran ang pamahalaan.
Tungkulin naman ng mga namamahala na gamitin ang mga buwis sa mga proyektong magpapa-unlad sa bansa. Noong wala pang salapi ang umiikot sa ekonomiya, ang pagbabayad ng buwis ay maaaring sa porma ng pang-aalipin.
Ang isang mamamayan ay maninilbihan sa may makapangyarihan bilang alipin. Ang kabayaran sa kanyang serbisyo ang siyang sinisingil bilang buwis. Ang buwis ay katumbas ng cedula.
Maaari ring ang ang buwis noon ay nakukuha sa pamamagitan ng pakikipagkalakalan, pagsasanla ng mga lupa o iba pang mga ari-arian, at iba pa.