Paano gumawa ng travel brochure?

Katanungan Sagot

Katanungan

Paano gumawa ng travel brochure?

Sagot verified answer sagot

Ang travel brochure ay tinatawag ding Bruchure sa paglalakbay na isang uri ng lathalain na naglalaman ng mga impormasyon patungkol sa isang lugar na nais mapuntahan.

Sa paggawa ng isang travel brochure ay dapat mabuo ang tatlong bahagi nito. Sa unang bahagi o ang pangmukhang pahina kung tawagin ay dapat ilagay ang larawan ng lugar, logo ng lalawigan kung san ito matatagpuan, at kaaya-ayang islogan na makahihikayat sa mga tao.

Sa ikalawang pahina dapat makita ang paraan kung paano mararating ang nasabing lugar, mga sikat na kainan at pagkain, mga magagandang lugar pasyalan, tanawing sikat, at pook na makasaysayan.

Maaaring ilagay dito ng mga bagay na pwedeng gawin sa lugar na iyon. Sa huling pahina naman matatagpuan ang mapa at emergency hotline ng lugar na magagamit kung kinakailangan.