Paano hinaharap ng mga asyano ang pagkakaiba-iba ng taglay likas yaman sa bawat rehiyon ng Asya?

Katanungan Sagot

Katanungan

Paano hinaharap ng mga asyano ang pagkakaiba iba ng taglay na likas na yaman sa bawat rehiyon sa Asya?

Sagot verified answer sagot

Paano hinaharap ng mga asyano ang pagkakaiba iba ng taglay na likas na yaman sa bawat rehiyon sa AsyaMasasabing ang pagkakaroon ng kalakalan o palitan ng produkto ang naging daan upang harapin ng mga Asyano ang pagkakaiba-ibang taglay nilang likas na yaman sa bawat rehiyon.

Dahil batid ng bawat bansa at bawat rehiyon na ang pagpapalitan ng produkto ay kinakailangan upang matugunan ang pagkukulang ng ibang bansa, binuksan nila ang kanilang mga pintuan sa kalakalan.

Sa pamamagitan din ng kalakalan, nagkaroon ng magandang ugnayan ang mga bansa. Alam kasi nilang ang kalakalan ay isa ring magandang daan upang mas mapalawak ang industriya at ekonomiya ng bawat bansa.

Nabubuo rin ang magandang samahan ng mga namumuno dahil sa pagpapalitan ng produkto na nagaganap sa mga bansang ito.