Paano Iiral ang Isang Pamilya Bilang Orihinal na Paaralan ng Pagmamahal?

Katanungan

paano iiral ang isang pamilya bilang orihinal na paaralan ng pagmamahal?

Sagot verified answer sagot

Ang pamilya ay pangunahing nagtuturo kung paano mahalin ang kapwa at kadugo kaya sila ang orihinal na paaralan ng pagmamahal.

Tinuturing din na pinakamaliit o unang organisasyon o pagsasama ang pamilya dahil sila ang nagtuturo ng iba’t ibang disiplina na maaaring i-akto sa kanilang lipunan.

Bukod pa rito, sa pamilya rin natututunan ang pamamahal dahil sila ang makakasama mo hangga’t ikaw ay nabubuhay kaya naman mahalaga ang kanilang pangangaral sa bawat oras na ikaw ay pinagsasabihan nila.

Dagdag pa, ang pamilya rin ay pundasyon ng pagmamahal dahil sila ang unang nag aalaga sayo na itong dapat mo rin gawin at gayahin sa kapwa.