Paano inaawit ang antecedent phrase?

Katanungan

paano inaawit ang antecedent phrase?

Sagot verified answer sagot

Ang antecedent phrase ay inaawit ng mayroong pagtaas sa himig. Ang antecedent phrase o unang phrase ay bahagi ng chant.

Ang chant ay isang uri ng awit na ang bumubuo ay mga phrase na tinatawag na una o antecedent phrase at ikalawa o consequent phrase.

Ang unang phrase y nasa anyong nagtatanong kung kaya ito ay inaawit ng pataas. Samantala, ang ikalawang phrase naman ay ang nagtataglay ng sagot sa katanungan kung kaya ito ay karaniwang binibigkas sa tonong mahinahon o normal o sa madaling sabi ay himig na pababa. Isa sa halimbawa nito ay ang awiting Sa Ugoy ng Duyan.