Katanungan
paano inihambing ng akda ang guryon sa buhay ng tao?
Sagot
Inihambing ng akda ang guryon sa buhay ng tao sa paraang tulad ng guryon ang buhay ng tao ay dumaan sa pagbabalanse ng mga dapat gawin upang maging matatag sa pagsubok na darating.
Ang “Ang Guryon” ay isang akdang pampanitikan na tula na akda ni Ildefonso Santos. Ito ay isang tula na nagbibigay ng mahalagang aral sa mga mambabasa partikular na sa pagiging matatag at matapang sa pagkamit ng mga mithiin sa buhay na kung saan kahit anumang pagsubok ang dumating ay hindi dapat panghinaan ng kalooban.
Ang tulang ito ay binubuo ng lalabindalawahing sukat ng mga pantig sa bawat taludtod na gumamit ng teoryang imahismo sa pagbuo ng piyesa.