Paano ipagtanggol ng mamimili ang kanilang mga karapatan at magagampanan ang kanyang pananagutan?

Katanungan Sagot

Katanungan

paano ipagtanggol ng mamimili ang kanilang mga karapatan at magagampanan ang kanyang pananagutan?

Sagot verified answer sagot

Dapat nila itong ipagtanggol batay sa kanilang kaalaman. May karapatan silang bumili ng mga esensyal o pangangailangan para sa araw-araw, pangalagaan ang kanilang kaligtasan, may karapatan makakuha ng impormasyon hinggil sa isang produkto, karapatan sa pagpili kung ano ang nais bilhin, karapatan na pakinggan sa mga mungkahi o suhestiyon, maturuan kung paano maging matalino na mamimili, at karapatan sa malinis na kapaligiran na pinamimilihan.

Dapat ang mga konsyumer ay may kamalayan at nagsusuri, umaaksyon laban sa mga mapanamantala na negosyante, nagkakaisa para sa iisang adhikain, may kamalayan hinggil sa kalikasan kung naaapektuhan ba ito, at may pagmamalasakit sa lipunan upang tapat ang mga produkto.