Paano ipinakilala ang mga unang panitikan sa Pilipinas?

Katanungan Sagot

Katanungan

Paano ipinakilala ang mga unang panitikan sa Pilipinas?

Sagot verified answer sagot

Paano ipinakilala ang mga unang panitikan sa PilipinasNaipakilala ang panitikan ng Pilipinas noong sinaunang panahon sa paraang pasaling dila lamang.

Dahil hindi pa natututuhan ng mga Pilipino ang maglimbag noon at gumawa ng maraming tala tungkol sa panitikan at wika, ang naging pangunahing sandalan nila ay ang pagsasalin ng mga ito sa pamamagitan ng pag-uusap lamang o saling-dila.

Ang mga panitikang nakilala sa pasalin-dila ay mga tugmang-bayan, kuwentong bayan, bugtong, epiko, salawikain, awit, tula, alamat, at maging mga mito.

Dahil naging kawili-wili naman ang mga anyo ng panitikang ito, agad itong kumalat at naging bukambibig ng marami kaya naman naging matagumpay ang proseso ng salin dila bilang pagpapakilala sa unang panitikan ng Pilipinas.