Paano ipinakilala ni Plato ang kahalagahan ng edukasyon at katotohanan pangatwiran ang sagot?

Katanungan Sagot

Katanungan

paano ipinakilala ni plato ang kahalagahan ng edukasyon at katotohanan pangatwiran ang sagot?

Sagot verified answer sagot

Paano ipinakilala ni Plato ang kahalagahan ng edukasyon at katotohanan pangatwiran ang sagotAng kabuuan ng sanaysay ni Plato ay nagpapakita ng pagtuklas ng isang tao ng katotohanan at pagpapalawig ng kaniyang kaalaman sa pamamagitan ng edukasyon.

Sa kaniyang sanaysay, ipinakita niya ang isang anyo na dapat mabatid, ito ay ang paglabas sa isang yungib na kinaroroonan natin.

Ang paglabas sa yungib na iyon ang pagtuklas natin sa katotohanan. Ayon kay Plato, nais niyang masaksihan ng tao ang kaganapang nangyayari sa mundo.

Sinabi rin ni Plato sa kaniyang pamosong sanaysay ang kahalagahan ng edukasyon. Ayon sa kaniya, ang kaalaman daw ay ang siyang magbibigay ng katotohanan sa bawat isa na kailangan natin upang makita ang totoong mundo.