Paano ipinakita ng mga tao ang kanilang kahandaan disiplina at kooperasyon habang may lindol?

Katanungan Sagot

Katanungan

paano ipinakita ng mga tao ang kanilang kahandaan disiplina at kooperasyon habang may lindol?

Sagot verified answer sagot

Paano ipinakita ng mga tao ang kanilang kahandaan disiplina at kooperasyon habang may lindolNaipakita ng mga tao ang kanilang kahandaan, disiplina, at kooperasyon habang may lindol sa pamamagitan ng pagsunod sa mga gawaing pangkaligtasan at sa pagiging kalmado upang makakilos at makapag-isip nang maayos.

Madalas na rin namang nagkakaroon ng mga pagsasanay o drill para sa kung anong gagawin kung may lindol. Dito ay hinahasa kung paano lalabas sa kinaroroonan kung lumilindol, kung saan dapat pumunta, at ano pang dapat gawin.

Sinasabi rin lagi na hindi dapat mataranta at kumalma lamang dahil makatutulong ito upang hindi mablangko ang isip kung humaharap sa sakuna at maisabuhay ang mga napag-aralang dapat gawin sa oras ng kalamidad tulad ng lindol.