Katanungan
paano ipinamalas ng mga pilipino ang pagpapahalaga sa kalayaan?
Sagot
Ipinamamalas ng mga Pilipino ang pagpapahalaga sa kalayaan ng bansa sa pamamagitan ng pagdiriwang ng kasarinlan nito tuwing sasapit ang ika 12 ng hunyo taon-taon.
Ang kalayaan ng bansa sa kamay ng iba’t ibang dayuhang mananakop gaya ng Hapon, Amerikano, at Kastila ay nakamtam matapos ng maraming taong pagkakasailalim sa mga kapangyarihan ng mga bansang ito.
Na kung saan, upang makamit ang kasarinlang tinatamasa ng mga Pilipino sa kasalukuyang panahon, maraming katutubong Pilipino ang nagbuwis ng hindi lamang dugo at pawis ngunit maging ng sariling buhay.
Ito rin ang naging daan upang makilala ng mga tao ang mga itinuturing na bayani sa kasaysayan na may malaking naiambag sa pagkamit nito.