Paano ipinamalas nina Josefa llanes-Escoda at Jose Abad Santos ang kanilang pagmamahal sa bayan?

Katanungan Sagot

9

Katanungan

paano ipinamalas nina josefa llanes-escoda at jose abad santos ang kanilang pagmamahal sa bayan?

Sagot verified answer sagot

Sa pamamagitan ng pagbubuwis ng kanilang mga buhay ipinamalas nina Josefa Llanes-Escoda at Jose Abad Santos ang kanilang pagmamahal sa bayan.

Si Josefa Llanes-Escoda ay nakilala bilang tagapagtaguyod ng mga karapatan ng mga kababaihan sa bansa. Matapos madakip ng kanyang esposo sa pagsiklab ng ikalawang digmaang pandaigdig siya rin ay hinuli ng mga hapones at pinarusahan ng kamatayan.

Sa kasaysayan, siya ay binibigyang halaga sapagkat isa siya sa mga martir na nanindigan laban sa mga hapones.

Samantala, si Jose Abad Santos naman ay isang hukom na nagpakita ng masidhing pag-ibig sa kanyang bayan. Dahil sa pagtanggi nito na makipagtulungan sa mga hapones siya ay pinarusahan ng kamatayan sa pamamagitan ng pagbitay.