Paano ka gumagawa ng desisyon sa isang sitwasyon na kailangan mong pumili?

Katanungan

paano ka gumagawa ng desisyon sa isang sitwasyon na kailangan mong pumili?

Sagot verified answer sagot

Sa paggawa ng desisyon sa isang sitwasyon na kailangan kong pumili, ang paraan na aking isinasagawa ay ang masusing panunuri o pagtitimbang ng mga detalyeng kaakibat ng mga pagpipilian.

Ang paggawa o pagbuo ng desisyon ay isang masusing gampanin sa buhay ng bawat indibdiwal sapagkat ito ang nagtatakda ng maaaring kahantungan ng pasyang gagawin.

Kung kaya naman, mainam na suriing mabuti ang bawat detalye upang higit na maunawaan ang mas makabubuti para sa nakararami.

Kaya, sa aspeto ng pagbuo ng desisyon sa sitwasyong may pagpipilian, mainam na timbangin ang dulot o epekto ng dalawang pagpipilian upang matimbang kung ito ba ay nakabubuti sa lahat o hindi.