Paano ka makakatulong sa krisis at kalamidad?

Katanungan Sagot

Katanungan

Paano ka makakatulong sa krisis at kalamidad? Kanina pa ako naghahanap ng sagot nito 😀

Sagot verified answer sagot

Paano ka makakatulong sa krisis at kalamidadMadalas na makaranas ng kalamidad ang Pilipinas lalo na sa panahon ng tag-ulan. Makatutulong ka sa oras ng krisis at kalamidad sa iba’t ibang paraan. Una na ay ang pagbibigay ng tulong sa mga nasalanta.

Kinakailangan nila ang maraming bagay upang muling makabangon at mairaos ang kanilang buhay. Maaari kang magbigay ng pagkain, damit, o kahit tulong pinansiyal.

Makatutulong ka rin sa oras ng krisis at kalamidad kung pakikinggan mo ang sinasabi ng mga nasa pamahalaan kung paano ka makikiisa sa kanilang mga panukala na para naman sa ikabubuti natin.

Ikatlo, maaari kang kumilos o pumuna kung sakaling maramdaman mo o makita mong hindi ka tinutulungan o ang iyong kapuwa ng mga awtoridad.