Paano ka makakatulong sa paglutas sa suliranin kaugnay ng implasyon?

Katanungan Sagot

0

Katanungan

paano ka makakatulong sa paglutas sa suliranin kaugnay ng implasyon?

Sagot verified answer sagot

Makatutulong ako sa paglutas ng suliranin kaugnay ng implasyon sa pamamagitan ng matalinong paggamit ng salapi/pera o paggasta. Ang implasyon o sa ingles ay inflation ay ang pagtaas ng presyo ng mga bilihin sa merkado.

Ito ay maaaring dahil sa iba’t ibang salik kagaya na lamang ng labis na sirkulasyon ng pera, panlabas na utang, pamproduksyong gastos, kartel at monopoly, import dependent, export orientation, at iba pa na nagdudulot ng mabuti at di-mabuting epekto sa ating bansa.

Kung kaya naman, bilang isang mag-aaral, ang aking maitutulong sa pagtugon sa suliraning kaugnay nito ay ang gamitin ng tama ang pera o salapi.