Paano ka makakatulong upang mabawasan ang suliranin sa solid waste?

Katanungan Sagot

Katanungan

Paano ka makakatulong upang mabawasan ang suliranin sa solid waste?

Sagot verified answer sagot

Paano ka makakatulong upang mabawasan ang suliranin sa solid wasteMaraming paraan upang makatulong sa pagbawas ng problema sa solid waste ng bansa at ng mundo at ang mga paraan na ito ay madali lang naman talagang isakatuparan.

Una na rito ay ang pagtatapon ng basura sa tamang tapunan. Kahit ang maliliit na pekete ng kendi at iba pang balat na maaari namang ibulsa, ilagay na lamang muna sa bulsa kung hindi makakita ng wastong tapunan ng basura.

Ang maliit na hakbang na ito ay malaki ang epekto sa kalikasan. Maaari ding lumahok sa mga cleanup drive na isinasagawa sa barangay at iba pang organisasyon sa Pilipinas. Ugaliin ding iulat ang mga kakilalang hindi nagtatapon ng kanilang basura sa wastong tapunan.