Paano ka makakatulong upang mapanatili ang kapayapaan at pagkakaunawaan?

Katanungan Sagot

1

Katanungan

paano ka makakatulong upang mapanatili ang kapayapaan at pagkakaunawaan?

Sagot verified answer sagot

Ang pagkakaroon ng kapayapaan at pagkakaunawan ay napakahalaga sa isang lipunan. Kung hindi mapayapa at hindi nagkakaintindihan ang mga mamamayan ay maaaring magkaroon ng kaguluhan.

Bilang isang estudyante, ako ay makakatulong sa pagpapanatili ng kapayapaan at pagkakaunawaan sa aking lipunan sa pamamagitan ng pagsunod sa mga batas at alituntunin na ipinapatupad ng pamahalaan.

Ako rin ay magiging mabuti sa aking kapwa. Ako ay makikinig sa aking mga magulang upang ako ay lumaki bilang isang maayos na mamamayan.

Tutulong ako sa aking kapwa, lalo na sa mga nangangailangan. At kung ako man ay magkakamali, hihingi ako ng kapatawaran sa aking kapwa at sa aking komunidad.