Katanungan
paano kaya maiiwasan ang mga digmaan sa daigdig?
Sagot
maiiwasan ang mga digmaan sa daigdig sa pamamagitan ng mga sumusunod: una, mahalaga na magkaroon ng malinaw na nasasakupan o hangganan ng teritoryo o nasasakupan ang bawat bansa. Ikalawa, mahalaga na magkaroon ng paggalang ang bawat bansa sa isa’t isa upang maiwasan ang alitan.
Ilan sa magagandang relasyong nabubuo dahil sa respeto at kaunawaan ay ang iba’t ibang organisasyong pang-internasyunal.
At ikatlo, pagkakaroon ng malawak na pagkaka-unawaan at pagkakaibigan upang maiwasan ang iba’t ibang uri ng sigalot na maaaring mauwi sa digmaan. Ang pagbuo ng koneksyon o pakikipag-kaibigan sa ibang teritoryo ay mahalaga upang maipamalas ang pagkaka-unawa sa isa’t isa.