Paano kaya naiba ang makroekonomiks sa maykroekonomiks?

Katanungan

paano kaya naiba ang makroekonomiks sa maykroekonomiks?

Sagot verified answer sagot

Dalawang uri ng ekonomiks ang tinguriang makroekonomiks at maykroekonomiks. Ang makroekonomiks, na hango sa salitang Griyegong “makro”, ay nangangahulugan na kabuuang pag-aaral sa kalakhan ng ekonomiya ng isang bansa.

Nakatuon ang makroekonomiks sa pag-aaral ng kabuuang ekonomiya ng isang bansa: mula sa estilo o istruktura, uri, gawa, at ugaling pang-ekonomiya.

Sa kabilang banda naman, ang maykroekonomiks ay may layunin na tignan lamang ang ekonomiya sa mas maliit na aspeto.

Ibig sabihin ay pinag-aaralan lamang ng maykroekonomiks ang mga desisyong pang-ekonomiya ng mga negosyo, maliliit na kumpanya, at maging na rin ang mga indibidwal. Ito ang kaibahan ng makroekonomiks at maykroekonomiks.