Katanungan
Paano kumilos ang hayop? Ang tao? 😮
Sagot 
Ang tao at ang hayop ay kumikilos batay sa kaniyang kakayahan. Ang tao at hayop ay parehong may pasya o kakayahang gumawa ng desisyon sa kilos na gagawin.
Bagaman magkaiba ang antas ng pag-iisip ng isang hayop at isang tao, magkatulad naman silang kayang kumilos sa kanilang sarili.
Alam nila ang mga galaw na gagawin sa isang sitwasyon upang kung mayroon mang suliranin o kung may kailangang interaksiyon na gawin, ay magagawa nila.
Ang kakayahang makapag-isip sa kaniyang sarili at hindi na kailangan pang pagalawin ng iba ay isang kakaibang kakayahan. Ito ay nagbibigay sa isang tao o hayop ng kalayaan na gumalaw ayon sa kaniyang nais.