Katanungan
paano laruin ang agawang panyo?
Sagot
Ang agawang panyo ay isang larong pinoy na madalas nilalaro ng mga bata na may edad 9 hanngang 11. Ito ay madalas nilalaro sa isang maluwang na espasyo o di naman kaya ay sa madamong bahagi ng lugar upang maiwasan ang aksidente.
Ito ay nilalaro ng mga bata na nahahati sa dalawang grupo. Ang mga grupong ito ang siyang mag-aagawan sa panyong nasa unahan matapos maibigay ang senyas o hudyat ng pagsisimula ng isang laro.
Ang grupo o pangkat na makakakuha ng mas maraming puntos ang itatanghal na panalo o nagwagi sa larong ito. Ang larong ito rin ang nakatutulong sa mga bata upang higit na maunawaan ang paglalaro ng tapat at patas.