Paano lumaganap ang nobela sa kanluran?

Katanungan Sagot

Katanungan

Ask ko lang po kung paano lumaganap ang nobela sa kanluran?

Sagot verified answer sagot

Paano lumaganap ang nobela sa kanluranMahabang babasahin o kuwento ang isang nobela na karaniwang inililimbag bilang makakapal na aklat. Magpahanggang sa kasalukuyan ay ginagamit pa rin ito at tinatangkilik ngunit nauna muna itong lumaganap sa Kanluran.

Ayon sa mga histroyador, lumaganap ito sa mga kanluraning bansa dahil naging mabisang paraan ito upang maglibang. Kinabibiliban din ang mga nobela dahil sa mga aral na makukuha rito ng mga kanluranin.

Naging daan din ito upang mabigyang importansiya ang iba’t ibang isyu na mayroon sa kanilang lipunan noong mga panahong iyon.

Ginagamit din kasi ng mga manunulat ang mga nobela upang imulat ang kamalayan ng kanilang mga mamamayan at hindi basta mang-aliw lamang.