Paano maihahalintulad ang sistema noon sa ekonomiya ng Europa?

Katanungan

paano maihahalintulad ang sistema noon sa ekonomiya ng europa?

Sagot verified answer sagot

Bagamat ilang siglo na ang nakalipas mula noong Gitnang Panahon, ating masasabi na may mga sistema pa rin noon na hanggang ngayon ay ginagamit, partikular na sa kontinenteng Europa.

Nagsimula ang paggamit ng mga salapi sa panahong ito. Ang kadalasanang gamit ay mga tinatawag na coins. Ngayon ay meron ng mga tinatawag na bank notes o pera na papel.

Nauso rin noong Gitnang Panahon ang pagpapautang at pagbabangko na hanggang ngayon naman ay parte pa rin ng pinansiyal na sistema ng Europa.

Sa usaping buwis naman ay halos pareho pa rin naman ang proseso. Ang mga produkto at serbisyo na pumapasok sa kontinente ay kailangan bayaran ayon sa itinakda ng pamahalaan.