Paano maipapakita ang papel na panlipunan ng pamilya?

Katanungan Sagot

Katanungan

paano maipapakita ang papel na panlipunan ng pamilya?

Sagot verified answer sagot

Maituturing na ang pamilya ang gulugod ng isang lipunan. Kaya naman napakahalaga ng papel na ginagampanan ng isang pamilya upang magkaroon ng mapayapa at maunlad na lipunan.

Maipapakita ang papel sa lipunan ng isang pamilya sa pamamagitan ng maraming paraan tulad na lamang ng pagtulong sa komunidad.

Ang isang aktibong partisipasyon ng isang pamilya sa komunidad ay malaking tulong na. Kabilang na rito ang pagtulong sa paglilinis ng kapaligiran at pakikilahok sa mga programa ng lokal na pamahalaan.

Ang pagpapakita ng suporta sa pamamagitan ng pagbili at pagtangkilik sa mga lokal na produkto sa palengke ay isa ring papel sa lipunan ng isang pamilya.