Paano makakamit at mapapanatili ang kabutihang panlahat?

Katanungan Sagot

Katanungan

Paano makakamit at mapapanatili ang kabutihang panlahat?

Sagot verified answer sagot

Paano makakamit at mapapanatili ang kabutihang panlahatMakakamit at mapapanatili ang kabutihang panlahat sa pamamagitan ng pakikiisa ng bawat mamamayan sa kanilang tungkulin sa lipunan at pakikipaglaban sa kanilang mga karapatan.

Ang pagkilos ng bawat isa upang maipalaganap ang kabutihan sa bawat bahagi ng pamayanan ay isang malaking hakbang.

Dapat ay may kooperasyon ang bawat isa sa mga gawain. Mayroon din dapat na bukal na pagtulong at pagmamalasakit sa kapuwa ang mga tao sa isang pamayanan.

Dapat din ay naipagtatanggol nila ang kanilang mga karapatan sa sinumang ayaw gumalang at magpahalaga rito. Isang malaking bagay din ang pagkakaroon ng disiplina sa sarili upang madaling maipalaganap ang kabutihan ng lahat.