Paano makakapanahan ang mga tao sa loob ng lipunang ekonomiya?

Katanungan Sagot

Katanungan

paano makakapanahan ang mga tao sa loob ng lipunang ekonomiya?

Sagot verified answer sagot

Paano makakapanahan ang mga tao sa loob ng lipunang ekonomiyaMakapananahan ang mga tao sa loob ng lipunang ekonomiya kung makagagawa sila ng paraan upang matugunan ang kanilang pangangailangan sa tulong ng mga sariling kakayahan at sa bisa na rin ng tulong ng pamahalaan.

Ang lipunang ekonomiya kasi ay ang prinsipyo na nakatuon sa pagsisikap na pangasiwaan ang limitadong likas yaman ng isang lugar batay sa kanilang pangunahing pangangailangan.

Ang pamahalaan ay maaaring gumawa ng mga programang tutugon sa pangkabuhayan ng mga mamamayan upang maibsan ang kanilang kakulangan dahil na rin sa limitadong pinagkukuhanang yaman.

Ang pagtulong ng pamahalaan ay kailangan ding tumbasan ng kilos ng mga mamamayan upang matugunan ang problema.