Paano makakatulong ang mga pang ugnay sa pagsasalaysay?

Katanungan

paano makakatulong ang mga pang ugnay sa pagsasalaysay?

Sagot verified answer sagot

Salaysay ang tawag sa isang uri ng panitikan kung saan ang manunulat ay naglalahad ng impormasyon, opinyon, datos, at iba pa depende na rin sa klase ng salaysay na kanyang gagawin.

Ang mga salitang pang-ugnay tulad ng mga sumusunod: at, pati, saka, dahil sa, sapagkat, kaya, at marami pang iba ay mga salitang kadalasan na mababasa sa mga salaysay.

Ang paggamit ng mga saling pang-ugnay ay, mula sa ngalan nito mismo, nag-uugnay sa mga salita upang makabuo ng matinong pangungusap.

Mahalaga ang mga pang-ugnay na salita sa isang salaysay dahil mas nabibigyan nito ng diin at linaw ang mensahe na nais ipabatid ng may akda. Mas nagiging madaling intindihin ang isang salaysay kung may mga salitang pang-ugnay.