Paano makakatulong ang yamang likas sa pamumuhay ng mga tao sa Asia?

Katanungan Sagot

Katanungan

Paano makakatulong ang yamang likas sa pamumuhay ng mga tao sa Asia?

Sagot verified answer sagot

Paano makakatulong ang yamang likas sa pamumuhay ng mga tao sa AsiaMalaki ang ginagampanang papel ng yamang likas o likas yaman sa pamumuhay ng mga tao sa Asya. Lahat ng produkto at serbisyong kailangan natin sa kasalukuyan ay nakadepende naman talaga sa likas yaman.

Mapalad ang kontinente ng Asya na halos lahat ng yamang mula sa kalikasan ay tinatamasa natin. Dahil dito, maraming negosyo, hanapbuhay, at iba pang uri ng kabuhayan ang masigla ngayon dahil sa biyaya ng likas yaman.

Maging ang mga ibang kontinente at ibang bansa ay nakadepende rin sa likas yaman ng Asya na nagaganap dahil sa konsepto ng kalakalan. Dahil dito, mas lumalawak ang koneksiyon at mas dumarami ang nakikinabang sa likas yaman ng mga Asyano.