Katanungan
paano makatutulong ang mamamayan sa pagsulong ng kabutihang panlahat at pambansang kapakanan?
Sagot
Makatutulong ang mamamayan sa pamamagitan ng pagbibigay respeto sa bawat kapwa. Dapat bigyan dignidad ang kanilang pagkatao upang maging panatag din sila sa kanilang sarili.
Bukod pa rito, dapat bakahin din ang indibidwalismo at paigtingin ang kolektibong pamumuhay sa pamamagitan ng pagtutulungan bawat sitwasyon, at huwag kalimutan pa rin na panagutin ang gobyerno sa kanilang kapabayaan dahil nasa kanila ang rekurso ng taumbayan.
Dagdag pa, dapat din makiisa sa mga panawagan ng bawat sektor upang matupad ang kanilang mga pangangailangan sa bansa at matugunan ang kapakanan ng bawat isa. Sabi nga nila ay mayroong kapangyarihan sa sama samang pagkilos ng mga tao.