Paano makatutulong ang paglalaro ng syato na mapahusay ang physical fitness?

Katanungan Sagot

Katanungan

paano makatutulong ang paglalaro ng syato na mapahusay ang physical fitness?

Sagot verified answer sagot

Ang syato o syatong ay isa sa mga larong Pinoy na kinagigiliwan ng maraming bata. Kailangan ng dalawang patpat na may magkaibang sukat para sa larong ito, isang maikli at isang mahaba.

Nakakatulong ang larong ito sa physical fitness ng isang indibidwal dahil nagagamit ang buong katawan at nagsisilbing para na ring ehersisyo.

Ito ay kadalasang nilalaro sa may buhanginan dahil gagawa muna ng mababaw na hukay. Kung ang hukay ay patayo ay dapat ilapag ang patpat na pahiga. Nasa magkabilang dulo ang magkalaban na manlalaro.

Tatamaan ng mas mahabang patpat ang maliit papunta sa kabilang grupo, at ihahagis pabalik ng kabilang grupo ang maliit na patpat ngunit dapat ay tamaan nila ang mas mahabang patpat.