Katanungan
paano malalaman ang sukat ng isang tula?
Sagot
Malalaman ang sukat ng isang tula sa pamamagitan ng pagbilang sa bilang ng bawat pantig na nakapaloob sa bawat linya o saknong.
Ang tula ay isang pampanitikang akda na naglalayong makapagpahayag ng saloobin o damdamin sa pamamaraang pasulat.
Ang tula ay binubuo ng mga elemento kabilang na ang sukat na tumutukoy sa bilang ng pantig na mayroon sa bawat taludtod.
Ang sukat ay maaaring wawaluhin, lalabindalawahin, lalabing-animin, o lalabingwaluhin alinsunod sa kagustuhan ng may akda o sa hinihinging pamantayan sa pagsulat nito.
Samantala, ang iba pang elemento ng akdang pampanitikan na ito ay ang tugma, saknong, kariktan, at ang talinhaga.