Paano malalaman kung malaki o maliit ang pananagutan ng isang tao?

Katanungan Sagot

2

Katanungan

paano malalaman kung malaki o maliit ang pananagutan ng isang tao?

Sagot verified answer sagot

Nakadepende sa pagkilos at pananalita ng isang tao kung gaano kalaki o kaliit man ang kanyang magiging pananagutan. Ito rin ay naaayon sa mga batas at alituntunin na ipinapatupad ng pamahalaan.

Ang mga batas na ito ang nagsisilbing gabay upang malaman ang mga hangganan ng kalayaan at pananagutan ng isang tao.

Kung ang isang tao man ay makitang umabuso sa kanyang pananagutan o kalayaan sa pamamagitan ng paggawa ng masamang kilos, siya ay haharap sa karampatang parusa ayon sa batas.

Kaya naman napakahalaga na mag-ingat ang bawat tao at usisiin nang mabuti ang magiging bawat pagkilos at pagsalita upang hindi makapanakit ng kapwa.