Paano mananaig ang katarungang panlipunan sa ating bansa?

Katanungan

paano mananaig ang katarungang panlipunan sa ating bansa?

Sagot verified answer sagot

Katarungang panlipunan ang tawag sa makatarungang ugnayan ng isang indibidwal sa kanyang kapwa at maging na rin sa kanyang lipunan.

Ibig sabihin nito ay dapat kinikilala ng isang tao ang kanyang karapatan, ang karapatan ng kanyang kapwa, at ang mga alituntunin at batas ng lipunang kanyang ginagalawan.

Sa ating bansang Pilipinas, maaaring manaig ang katarungan panlipunan kung tayo ay magiging mga disiplinadong mamamayan.

Mula sa mga simpleng bagay tulad ng batas trapiko ay kinakailangan nating sundin ang mga direktiba ng pamahalaan upang mas maging maunlad ang ating bansa. Nararapat rin lamang na maging mas maunawain at magkaroon tayo ng pagkakaintidihan sa ating kapwa Pilipino.