Paano matitiyak na mananaig ang prinsipyo ng subsidiarity at prinsipyo ng pagkakaisa?

Katanungan Sagot

Katanungan

paano matitiyak na mananaig ang prinsipyo ng subsidiarity at prinsipyo ng pagkakaisa?

Sagot verified answer sagot

Paano matitiyak na mananaig ang prinsipyo ng subsidiarity at prinsipyo ng pagkakaisaSa iba’t ibang paraan matitiyak na mananaig ang prinsipyo ng subsidiarity at prinsipyo ng pagkakaisa. Una, para manaig ang prinsipyo ng pagkakaisa, dapat ay nagtutulungan ang bawat mamamayan at mga opisyal ng pamahalaan.

Kailangan ay tuloy-tuloy at hindi nawawala ang pagtutulungan upang masabi na nagkakaisa ang mga sektor na ito at nagagawa nila ang kanilang tungkulin.

Sa kabilang banda naman, matitiyak na mananaig ang prinsipyo ng subsidiarity kung ang pamahalaan ay walang patid sa pagtulong sa mga mamamayan. Obligasyon o tungkulin ng mga opisyal ng pamahalaan na tulungan ang kaniyang mga nasasakupan at kung magagampanan ito ay maiiwasan ang anumang kaguluhan.