Paano matutugunan ng pamahalaan ang mga isyung kalakip ng migrasyon bunga ng globalisasyon?

Katanungan Sagot

0

Katanungan

paano matutugunan ng pamahalaan ang mga isyung kalakip ng migrasyon bunga ng globalisasyon?

Sagot verified answer sagot

Isa sa mga epekto ng globalisasyon ay ang migrasyon ng maraming mga mamamayan patungo sa ibang bansa, partikular na sa mga bansang may mas maayos na ekonomiya at uri ng pamumuhay.

Dulot ng globalisasyon ang patuloy na pag-alis ng mga tao sa kanilang bansa dahil sa kawalan ng trabaho o di kaya naman ay sa mas mataas na pasahod ng ibang bansa.

Tungkulin ng pamahalaan na maagapan ito sa pamamagitan ng pagbibigay ng sapat na sahod at benepisyo sa mga manggagawa.

Layunin ng pamahalaan na tugunan ang pangangailangan ng kaniyang mga mamamayan upang maiwasan ang migrasyon. Dapat rin ay aktibo ang pamahalaan sa mga programa na makakatulong upang maengganyo ang mga mamamayan na manatili.