Katanungan
Paano matutukoy ang pokus ng pandiwa sa isang pangungusap?
Sagot 
Pokus ang tawag sa relasyong pansemantika ng pandiwa o salitang kilos sa simuno o paksa ng pangungusap. Makikita ito sa panlaping ginagamit sa pandiwa.
Ito ay ang relasyon o ugnayan ng pandiwa sa paksa sa pangungusap. Naipapakita o matutukoy ang pokus ng pandiwa sa pangungusap sa pamamagitan ng pag-alam sa tagaganap, tagatanggap, sanhi, pinaglalaanan, ginagampanan, o kagamitan ng paksa. Maaaring sumasagot sa tanong na ano, saan, kanino, paano, at bakit ang pokus ng pandiwa sa isang pangungusap.
Makikita rin na maylapi o panlapi ang isang pandiwang ginagamit sa isang pangungusap na ginagamit sa isang pokus. Ito ang mga palatandaan upang matukoy ang pokus ng pandiwa sa pangungusap.