Paano mo binabantayan o inaalagaan ang mga bagay na mahalaga sayo?

Katanungan Sagot

0

Katanungan

paano mo binabantayan o inaalagaan ang mga bagay na mahalaga sayo?

Sagot verified answer sagot

Binabantayan ko ito sa pamamagitan ng pag ingat sa mga ito at panatilihing maayos ang estado ng pagkakagamit.

Halimbawa na lamang ang aking mga damit na aking binibili para sa trabaho, inaalagaan ko ito sa pamamagitan ng paglalaba nang maayos at pagtabi sa malinis na kabinet.

Isa pang halimbawa ay maaaring isang kwintas na akong binili, nililinisan ko ito kada pagtapos ko gamitin.

Iba’t iba ang paraan ng pag aalaga sa mga kagamitan, basta ito ay naitatabi at hindi nawawala, ito ay naaalagaan mo na rin.

Bukod pa rito, dito rin makikita ang iyong kalinisan at kaayusan sa sarili kung paano mo pinangangalagaan ang iyong kagamitan.