Paano mo gamitin nang tama ang social media bakit?

Katanungan Sagot

0

Katanungan

paano mo gamitin nang tama ang social media bakit?

Sagot verified answer sagot

Magagamit ang social media ng tama sa pamamagitan ng pagpili ng mga bagay na inilalagay dito at pamamahagi ng mga impormasyong may matibay na pinanggalingan.

Ang social media tulad ng facebook, twitter, maging Instagram ay mga mahalagang bagay na madalas gamitin ng mga kabataan.

Ang paggamit nito ay may kaakibat na responsibilidad kung kaya bilang isang gumagamit nito dapat ay nasa tama ang paggamit.

Magagamit ko sa wastong paraan ang social media sa pamamagitan ng hindi lantarang paglalagay ng impormasyong personal tungkol sa akin upang maiiwas ang aking pamilya sa kapahamakan.

Isama pa riyan ang pagbabahagi ng impormasyong may matibay na pinagmulan upang magbahagi ng ideyang makatotohanan sa lahat na maaaring makatulong sakanila.