Paano mo ilalarawan si Lady Macbeth bilang isang asawa?

Katanungan Sagot

0

Katanungan

paano mo ilalarawan si lady macbeth bilang isang asawa?

Sagot verified answer sagot

Isa sa mga pinakatanyag na akda ni William Shakespeare ang trahedyang dula na kanyang pinamagatan bilang Macbeth. Si Lady Macbeth ay isa sa mga pangunahing tauhan ng dula.

Siya ang asawa ni Macbeth. Ang karakter ni Lady Macbeth bilang isang tauhan ay talaga naman may malakas na presensiya sa dula.

Siya ay inilalarawan bilang makapangyarihan. Sobrang makapangyarihan na pati ang kanyang asawa ay sumusunod sa kanyang mga kagustuhan.

Siya ay isang ambisosiyang asawa na walang ibang inisip kung hindi ang kanyang sariling kapakanan at mga kayamanan. Ninanais niyang maging reyna ng kaniyang bansa. Sa katapusan ng dula ay makikitang namatay si Lady Macbeth.