Katanungan
Paano mo mailalarawan ang mundong pinaiiral ang katapatan ng kasinungalingan?
Sagot
Ang mundong nababalot ng katapatan ay isang mundong payapa, may paggalang, may pagtanggap, at may mabuting samahan o ugnayan sapagkat umiiral sa pamayanang ito ang katapatan na isang mabuting sandigan upang makamit ang malalim na ugnayan sa pamamagitan ng pagkaka-unawa sa isa’t isa ng walang bahid ng pagtatago ng katotohanan na siyang nakasisira ng anumang ugnayan.
Sa kabilang banda, ang mundong pinaiiral ang kasinungalingan ay isang mundong napupuno ng pagkamakasarili, walang paggalang, at walang pagkakaisa sapagkat walang tiwala ang mga indibidwal sa mga taong nasa kanilang paligid.
Ang pagpapairal ng kasinungalingan ay ang siyang humahadlang sa pagkakakamit ng mabuting ugnayan kung kaya ang mga tao ay may kani-kanyang adhika at hindi nagkakaisa.