Paano mo maipagmamalaki ang himno ng iyong lalawigan?

Katanungan Sagot

3

Katanungan

paano mo maipagmamalaki ang himno ng iyong lalawigan?

Sagot verified answer sagot

Maipagmamalaki ko ang himno ng aking lalawigan sa pamamagitan ng pag-awit nito, pagmamalaki, at patuloy na pagbibigay galang.

Maliban sa pambansang awit ng bansa na pinamagatang Lupang Hinirang, ang iba’t ibang lalawigan din ay mayroong mga kani-kanyang himno na tiyak na natatangi sa bawat isa.

Ang himnong ito ang naglalaman ng kanilang pagkakakilanlan, mga mahalagang pangyayari sa kanilang bayan mula pa sa kasaysayan, mga gawi at tradisyon ng mga tao, at maging ang mga bagay na maipagmamalaki nito.

Ang himnong ito ay maipagmamalaki sa bawat isa kung ito ay patuoy na kikilalanin, aawitin, at bibigyang halaga. Ang pagmamalaking ito ang siyang hmuhubog din sa pagmamahal sa ating bayan.