Paano mo maipapakita ang iyong pagkamakabayan bilang isang bata?

Katanungan Sagot

Katanungan

Paano mo maipapakita ang iyong pagkamakabayan bilang isang bata? Para lang sa kapatid ko thanks

Sagot verified answer sagot

Paano mo maipapakita ang iyong pagkamakabayan bilang isang bataBilang isang bata, ang pagiging makabayan ay maipakikita sa ilang maliit, simple, ngunit makabuluhang paraan.

Una na rito ay ang paggalang sa batas ng inyong komunidad. Ipakita ang paggalang sa kalikasan, pagpapanatili ng kaayusan ng inyong pamayanan, at pagsunod sa magulang upang maging produktibo at makabuluhang bahagi ng lipunan.

Isa pa sa mga paraan ay ang paggalang lagi sa watawat na isang simbolo ng ating bansa. Kung inaawit na ang pambasang awit, huminto sa ginagawa at ilagay ang kamay sa kaliwang dibdib. Tumingin sa watawat at awitin nang buong puso ang pambansang awit.

Aralin din nang mabuti ang ating kasaysayan upang malaman ang pinagmulan at kasaysayan ng lahing Pilipino.